SAB(AW)

Ano nga bang pinakain mo sa akin?

Maraming mga bagay na sa isa’t isa ay ating ipinangako,

ngunit ‘ni isa ay wala man lang naluto–

kaya bakit nga ba ang nakaraan natin

ay ‘di mawala sa aking panlasa?

Pangalan mo pa rin ang nasa dulo ng aking dila,

Paboritong isahog ng puso ko

sa sabaw na sabaw ko nang diwa.

 

Tanghali, gabi, umaga–

sa tapang ng kape ko araw-araw

ay dapat gising na ako

sa katotohanan,

ngunit pati ito ay tila napagod na akong

ipaglaban sa aking sariling

katangahan,

at nag-iiwan na lang ng pait,

pinapasakit ang aking tiyan

sa mga tanong na ‘bakit’;

 

bakit nga ba kita binitiwan

para lang kumapit sa ating ‘sana’?

 

Sana alam ko na noon pa na hindi na mabubura ng

pagbabalik ko ang mga naiwang marka ng aking

paglayo.

 

At ngayong alam ko na . . .

punyeta, siopao, asado;

bakit kagat pa din ako ng kagat

kahit alam kong

iba na ang laman ng puso mo?

 

Isa na lamang akong

bola-bola sa matamis mong mga ngiti

at maligamgam mong pakikitungo . . .

 

kaya bakit nandirito ako sa’yong hapag,

nag-aabang sa hain mong pag-ibig

gayong alam kong kahit

pagpapatawad na pilit ay

iyong mahihilaw

dahil iniwan kitang nilalamig?

 

Bakit?

Bakit?

Bakit?

 

Wala ka din noong ibang sambit,

wala akong dahilang mabanggit

dahil kailan ba naituring na paliwanag

ang “mahal kita”

 

sa pagbitaw sa pagkakakapit?

Sa pagluwag ng yakap na dating

mahigpit?

Sa walang hanggang nauwi

sa hanggang dito na lang,

sa baka sakaling maulit muli.

 

Mukhang wala yata

talagang sagot

sa tanong

kung bakit ako

tanga.

 

Ngunit ang mga sagot

sa bawat mong bakit

ay tila nahanap mo na

sa mga mata niya.

 

Sa boobs niyang malaki.

Sa kiss niya na lasang forever.

 

Masaya ako para sa’yo.

Lagi mo sanang tatandaan

na kagaya natin,

maghihiwalay din kayo.

 

Di’ba allergic ka sa munggo?

Kaya huwag kang masyadong

hopia.

 

Bebe, mahal pa din kita.

Lasing na lasing na ako sa asa.

Sabi ng tropa, sana pwede ding isuka

ang katangahan, at pag nahimasmasan

ay humigop daw ng isang tasa ng mainit na pagtanggap,

pero bawat laklak ng realidad ay

nagiging luha lang na tumatagaktak.

 

Lalo lang akong

nauuhaw

sa’yo.

Advertisements

7 thoughts on “SAB(AW)

      1. sarreh na kasi. kanina ko pa iniisip pano. actually may naisip ako ngayon lang. Sa Twitter, log in ako tapos link ko sa FB profile tapos post ako ng status na buhay pa ko haha T_T

        Like

  1. Sabwina

    I nominated you for the Animal Series tag here:
    https://dailywarriors.wordpress.com/2016/11/20/10-things-dogs-teach-us/

    The Rules Are:

    1. Thank the person who nominated you
    2. Pick an animal and explain why they are a source of inspiration to you, and how their character can be used to motivate.
    3. Nominate at least 3 other bloggers, to share the positivity!

    Not sure if you do tags, but it would be fun to read what you come up with. ❤

    haha!

    Liz C.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s